Monday, March 25, 2013

Pananaw ng isang iskolar ng bayan

Dahil ba sa walang pangmatrikula kaya nagpakamatay? Diba puwedeng LOA muna? Kailangan ba full load at Php 16000 ang babayaran sa isang semestre? Di ba pedeng kalahati lng muna? Kung iisipin natin napakaliit na halaga na para humantong sa kamatayan. Diko lubos maisip kung bakit ito agad ang solusyon. Nababagabag ako at diko malaman ano ang aking mararamdaman...ako ba ay maaawa o mayayamot. Sino ba ang aking sisisihin?

UP naming mahal
Pamantasang hirang
Ang himig namin
Sanay inyong dinggin
Malayong lupain aming man marating
Di rin magbabago ang damdamin

Ang institiusyo ba?
Oo, para sakin isang state university ang UP bakit pagkamahal mahal ng matrikula? Mahirap man ikumpara sa aking nakagisnan noon pero nung isang libo ang binabayaran ng mga kaibigan kong Atenista, mahigit tatlong daan lang ang aking binabayad sa bawat unit ng aking semestre...ang pinakamalaking nabayaran ko at full load nako noon ay mahigit walong libo lamang. Di hamak na mababa kung ikukumpara sa binabayaran ng mga isko't iska ngayon. Pinilit namin itong tutulan noon pero naipasa parin ito sa panahon ni GMA. Kung ating pagnilaynilayan, ang laki ng endowment para sa subsidiya sa UP system...saan na ito napunta? Sa bulsa? Ooops, wala akong pruweba kaya't magkikibit balikat na lamang ako.

Ang estudyante ba?
Masasabi kong mahina ang loob ng batang ito. Isa lamang sa milyon milyong pagdadaanan pang problema pa sana ng batang ito. Sa UP, mas marami pang kakaibang problema tatahakin ng bawat isko't iska. Anjan na ang homesick, ito ay kadalasan nararanasan ng mga malalayo at ngayon lamang mawawalay sa magulang. Ang bumagsak at mabigyan ng 5.0 sa class card, ito ang isang problemang kay hirap lusutan lalo na kung mauuna itong matatanggap ng magulang kesa sa marinig ang iyong paliwanag. Ang makick out ka sa UP system dahil 75% ng kabuuan mong units ay nabagsak mo at nagpapareadmit ka sa president ng UP SYSTEM. Ang pecha de peligro dahil wala pang padala galing sa probinsya. Ang mapalo ng isang miyembro sa sinasalihang org dahil di mo namemorize ang preamble. Ang pagautomatic drop sa iyo ng terror mong titser dahil me 7 late ka sunod sunod dahil 7am ang pasok mo at lagi kang nasasarhan ng pinto. Ang di matapos tapos mong thesis at ang pressure na nararamdaman mo dahil lahat na ng kabatch mo at mga roommate mo ay graduating na at ikaw ay nagpapangalawang tanim ka ng phalaenopsis kase nangamatay lahat ng controlled specimen mo. Ang mabuntis ng di inaasahan at nasa 2nd year ka pa lamang at ang masaklap ay di mo kayang sabihin sa magulang mo at pito pa ang iyong maliliit na kapatid. Ilan lamang yan sa nakakapressure at mga problemang nahaharap ng simpleng iskolar ng bayan. Pero ang pera....di sapat para maging batayan na kailangan mo ng sumuko. Para sa akin, napakamakasarili ng isang tao na para magpatiwakal. Hiram lng natin sa Diyos ang buhay natin. Isa pa papaano ang mga taong maiiwan mo at mga kapatid na umaasang maiaahon mo sa kahirapan kapag ika'y nakatapos.

Ang mga magulang ba?
Kay rami kong kaibigan na ang mga magulang ay nagdodoble kayod para lamang makapag aral ang mga anak nila at makapagtapos. Isa na din ako doon. Hindi kami mayaman ngunit iginapang ako ng aking ama upang makapag aral sa UP. Ang isang papel ng isang magulang sa buhay ng anak ay napakalaki at napakaimportante. Sila ang huhubog kung anong klaseng tao ito pag laki. Kay hirap man sabihin pero hindi naovercome ng bata ang takot, na kung iisipin natin di nahubog ng magulang ang katatagan ng bata na humantong sa pagpapakamatay. Naniniwala ako na ang unang mga guro ng bata ay ang magulang. Kung tuturuan mo ang bata ng pagseselos lalaki syang inggitera. Pagituturo mo sa bata ang kahihiyan, matutuo ang bata makaramdam ng guilt. Kung lagi mong tinuturuan ang bata ng encouragement,lalaki syang may tiwala sa sarili. Kung tuturuan mo ang bata ng pagtanggap lalaki syang mapagmahal. Ang dami pa sanang bagay na dapat naituro ang mga magulang nya na para lumaking matapang at kayang makipagsabayang sa hamon ng buhay.

Luntian at pula
Sagisag magpakalaim man.
Ating pagdiwang bulwagan ng dangal
Humayot itanghal giting at tapang.
Mabuhay ang pag asa ng bayan!


ISKOLAR NG BAYAN---NGAYON AY LUMALABAN!!!



No comments:

Post a Comment